Taken at CDC Parade Grounds, Clark City (5/14/17)

Doon tayo magkita sa hangganan ng kahapon at bukas,

Sa sandaling mas maigting ang ligaya sa kalungkutan,

Sa saglit na oras kung saan maaring limutin ang kinabukasan.


Doon tayo magkita sa hangganan ng kahapon at bukas,

Kung saan ang araw ay marahang yumayakap sa gabi,

Kung saan maaaninag ang tuwa mula sa iyong labi.


Doon tayo magkita sa hangganan ng kahapon at bukas,

Sa maliit na espasyong binuo lamang sa panaginip,

Sa panandaliang pag-asang makikita ka pang muli.


From Headlines to Loglines: A behind the Scenes Story

final 1.jpg

A film reel for your thoughts – Photographed by Jean Pagtalunan at Starbucks, Trinoma (12/10/16)

Brown skin tone that have captured dozens of sunrise and sunsets, tired but spirited eyes that have seen the depth of hundreds of stories, and a long, dark hair that has been growing with him since he started in the industry–these are the things that Direk Zig Dulay is made of.

Bearing 16 nominations and four prestigious awards, Indie film director Zig Madamba Dulay keeps his career rolling as he paves his way to the filmmaking scene. Currently working on his Cinemalaya 2017 entry entitled, “Baggage” Direk Zig continues to tease the audience with his inexplicable talent in weaving stories found in the society. But before anything else, let us take a replay on how this successful screenwriter and director started.

The Crossing (Paglipay)

Being a writer in nature, the name Zig Dulay, have been present in school publications since he started high school. Born in a secluded province such as Isabela, the young aspiring writer, Zig Dulay, was not familiar with the courses available for college and decided to choose the one course that he thought would suit him, Journalism.

“Iyon (journalism) pinaka familiar sa akin, na pinakamalapit doon sa passion ko…Kasi wala kang kaidea-idea e, na, kapag nanonood ako dati ng Star Cinema, gusto ko makapagsulat ng pelikula, kapag manonood ka ng MMK, gusto mo magsulat sa T.V. Wala ka pang idea kung ano dapat kukunin mo,” he stated.

With that in mind, Direk Zig entered the University of the Philippines in Baguio with the course, Communication Arts major in Journalism and minor in Broadcasting. Throughout his college life, he published different articles which almost always never fails to be seen in Sun Star, a popular community newspaper in Baguio.

In spite of the many lessons he garnered from studying Journalism, Direk Zig eventually realized what his heart truly wants and thus started Director Zig Dulay’s courageous crossing from Journalism to Creative Writing.


Research, Look and Listen – Photographed by Jean Pagtalunan at Starbucks, Trinoma (12/10/16)

Giving Voice to the Missing

From the mountains of the Summer Capital to the speeding cars in the city, Direk Zig traveled miles to fulfill his passion for writing. Once he realized his interest in the said field, he enrolled in UP Diliman under Araling Pilipino major in Creative Writing and Film.

During his stay in the university, Direk Zig, fortunately, became a protégé of the veteran screenwriter, Armando “Bing” Lao which is famous for the so-called “Found Story,” a technique in scriptwriting, wherein real events and issues happening in the country are taken as an inspiration to build a story that will showcase the hard truths found in one’s surroundings.

Due to this, Direk Zig was able to apply his researching skills in the film industry. In fact, he admitted that even though his research was not used for creating news stories, he is still grateful that he studied Journalism for it helped him in finding interesting stories and characters for his scripts.

“Sobrang laki ng tulong, kasi sa journ tinuruan tayo kung pano kumuha ng datos, pano kumuha ng mga facts, kung pano mag-research…And then, nagagamit mo ‘yun sa pag-research mo ng masinsinan. ‘Dun sa pag create mo ng kwento…”

On the other hand, Direk Zig admitted that unlike the other screenwriters and filmmakers in the Philippines, he still haven’t found his own style yet. He humbly acknowledged that this takes time and that he is only just beginning his journey in the industry, and while he is mostly known for creating socially relevant films, he does not think of this as his definition in the industry.

When asked about the thing he most values in filmmaking, he answered that more than anything, a film should be honest and factual.

“…dapat truthful siya, dapat tama yung mga logic niya (characters) doon sa buhay, dapat naniniwala ka na ‘yun yung gagawin ng character, dapat naniniwala ka na ‘yun yung pupuntahan ng kwento. Yung “truth” sa pelikula yung binibigyan ko ng importansya…”


Real Passion, Real Stories – Photographed by Jean Pagtalunan at Starbucks, Trinoma (12/10/16)

Furthermore, Direk Zig also gives importance to the message that the film wants to relay to its audience. According to him, this is what makes the film stronger and meaningful.

Striving for the “Ekstra” Mile

And indeed, the things the director values most in films are the reasons for his majestic success. After joining several prestigious film festivals like Cinemalaya, Metro Manila Film Festival, Sinag Maynila, and others, he was able to bag different awards such as, “Best Screenplay” for Ekstra which he co-wrote with Direk Jadaone and Direk Jeffrey Jeturian and “Best Short Film Award” in 2013 for his film, “Missing” in the highly respected Gawad Urian Awards. Direk Zig also became the country’s delegate in film festivals in other countries like in the 2015 Ajyal Youth Film Festival in Qatar, wherein his film “Bambanti” won the Best Film award.

Despite his ongoing success, the director stayed modest and true to his craft. In fact, when asked about the kind of story he wants to write in the future, he answered that he wants to write films about a person’s existence and the meaning of life. But, he honestly stated that he thinks he is not yet ready for those kind of stories for he is still young and inexperienced.

Moreover, having experience in both mainstream and independent cinema, Direk Zig hopes for the feud between the two mentioned types of films to end. He also mentioned that filmmakers should stop battling about what kind of cinema is the best but they all should work together in order to create quality films for their audience. In turn, he wishes for the audience to be also picky with the films that they intend to watch.

“Sana mas aware sila…siguro mas matalino yung pagpanuod ng mga tao. Ma-realize na ang film ay hindi lamang for entertainment but dapat nakakapag-ambag sa kanilang kamalayan bilang mga pilipino.”

Meanwhile, when asked about the thing still missing in his life, he answered, laughing:

“Lovelife nalang talaga ang kulang.”


Written by Jean Pagtalunan and Thea Panganiban

Para Sa Mga Taong Nais Na Wakasan Ang Lahat

Idilat mo ang iyong mga mata,

Sapagkat ngayong araw na ito’y kakayanin mo na.

Tumayo ka.

Tingnan mo ang repleksyon ng iyong sarili sa salamin,

At ibulong mo rito ang mga salitang, “May hangganan ang lahat.” 

Ngumiti ka.

O hindi kaya’y umiyak ka.

Ang mahalaga’y makaramdam ka.

Damhin mo ang saya.

Damhin mo ang lungkot.

Intindihin mong lahat ng mga damdaming ito ang bumubuo sa iyo.

Huwag kang tatakbo,

Pumarito ka lamang.

Sapagkat ang iyong mga paa’y punung-puno na ng mga sugat na dala ng iyong pagtakas.

Maging bukas ka.

Sa mga taong pupuntahan ka para lamang saktan ka.

Sa mga taong nais kang tulungan.

Pakatandaan mo na hindi ka nag-iisa at kailanma’y hindi mauubos ang bilang ng mga taong nagmamahal sa iyo.

Sa mga sugat na sobrang mahapdi–kahit na maghilom ang mga ito’y kabisado mo na ang sakit.

Sa mga pagkakataong nalulungkot ka.

Hindi ito kasalanan. Kaya sige lang, umiyak ka lang.

Iiyak mong lahat.

Kasabay ng pag-iyak mo ang pagtanggap na buo ka.

Isa ka. Hindi ka sira. Hindi ka durog. 

Buo ka.

Kahit na sa tingin mo’y hiwa-hiwalay ka na.

Bumangon ka.

Para sa iyong sarili.

Para sa iyong mga pangarap.

Para sa pangakong darating din ang isang magandang bukas.

Maniwala ka.

Matatapos din ang kalungkutan.

Mawawakasan din ang sakit at hirap.

Hindi mo kailangang magmadali.

Mabagal ang andar. Mabako at pasikut-sikot ang daanan.

Gayunpama’y sa dulo nito, makakauwi ka rin.

Sa dulo nito’y may nag-iintay sa iyong yakap at halik.

Kaya, dumilat ka.

Sapat na ang pagpapahinga.

Dumilat ka.

Tumingin ka sa iyong paligid at damhin bawat isang bagay na malalapatan ng iyong mga mata.

Dumilat ka.

Sapagkat naniniwala akong kaya mo na.

Kakayanin mo.

Makakaya mo.

Kaya mo.

Hanggang sa makaalis ka sa madilim na kuwartong mayroong apat na haligi,

Maniwala ka.

Kaya mo. 



Photo taken from Tumblr. All rights reserved to its proper owner.

Writing prompt: Ano ang mga alaalang naaalala mo sa apat na espasyo ng kamay mo?

Natatandaan mo pa ba ako? Ako na parte ng iyong mga pinakatatagong alaala. Ako na sumagip sa nalulunod mong sarili. Ako.  

Noong una mong narining ang mga salitang, “Wala kang kwenta” dali dali akong tumakbo papunta sa iyong umiiyak na tinig. Inilagay mo ako sa taas ng iyong mga tainga at sinubukang limutin ang mga nakakalasong salitang ibinigkas sa iyong harapan.

Hinding hindi ko malilimutan ang hirap mong paghinga tuwing nilalamon ka ng iyong kadiliman. Pilit kong pinupunasan ang mga luhang pumapatak mula sa iyong namumulang mata. Pilit kong sinusubukang sabihin sayong magiging maayos din ang lahat.

Lumipas ang ilang mga araw at sa wakas, hinayaan mo na akong tulungan ka. Noong araw na iyon, hindi ka tumigil sa pag-agos. Tuluy-tuloy mo akong ginamit upang mabawasan ang sakit–kahit na sa prosesong ito ay nasasaktan na rin ako.

Isang araw, gumising ka, hindi ko alam kung paano mo ginawa, ngunit naramdaman kong patapos na. Naramdaman kong nabatid mo na na hindi ka nag-iisa. Naramdaman kong kahit na hindi pa galing ang iyong mga sugat at sariwa pa ang iyong mga pasa, ay kaya mo na.

Lumabas ka noon sa iyong kulungan at pinagmasdan ang iyong paligid. Malakas ang hangin noon at umuulan; ibinuka mo ako kasabay ng iyong pag-ngiti. Sapagkat noong ako’y iyong ibinuka ay naramdaman mo ang halik ng hangin at ng ulan, nalaman mong totoong hindi ka nag-iisa–na ikaw ay nabubuhay at patuloy na mabubuhay.

Kaibigan, kamusta ka na? Sana’y hindi mo pa rin nakakalimutan ang mga alaalang ito. Sana’y ang mga susunod na alaala nati’y mas masaya na.

Words I Really Want to Give to You


Photo taken from Google Images. All rights reserved to its proper owner.

Writing Prompt: Kung may ibibigay ka ngayon na hindi mo naibigay noon, ano ‘yun?


“Patawarin mo ako.”

Kung sinabi ko lang ito sayo noon, siguro naririto ka pa rin kasama ko.

“Patawarin mo ako.”

Kung hindi lang ako nilamon ng kaduwagan, maaari ko pa sanang masilayan ang mga malimit mong ngiti.

“Patawarin mo ako.”

Kung binuksan ko lamang ang aking mga tainga upang pakinggan ka, hindi siguro mangyayari lahat ng ito ngayon.

Sapagkat dati ay iisa tayo. Kung mayroong ako, mayroong ikaw. Subalit ngayon, sa tuwing nakikita kita, tila ba mayroong isang matangkad at hindi nakikitang pader; masyado na itong matibay at mataas upang mawasak pa.

Ngayon, sa tuwing nakakasalubong kita, tila hindi natin kilala ang isa’t isa. Tila ang mga pag-uusap hanggang alas tres ng umaga at mga masasayang alaala noong nakalipas na tatlong taon ay nangyari lamang sa loob ng aking isipan.

“Patawarin mo ako.”

Tatlong salita. Minsan, naiisip ko, kaya nga ba talaga nitong baguhin ang kapalaran nating dalawa?

At paano nga ba kita maibabalik kung ako rin mismo ang pumutol ng ating ugnayan?

“Patawarin mo ako.”

Nostalgia and Memories

Note: Because of my inability to think of a new story for our organization’s annual feature film, my friend, ate Bea, gave me writing prompts in order to help me in developing and creating my story. Since I haven’t published any of my works written in Filipino here, I decided to publish my writing prompts which are all written in my native language. Sooooo, enjoy! 🙂


Photo taken from Google Images. Al rights reserved to its proper owner.

Writing prompt: Kung may babalikan ka, ano ‘yon?

Hindi lahat ng binabalikan ay malulungkot na alaala.

Kung sanay lang akong magpinta, marahil matagal ko nang naipinta yuong araw na nagpalipad tayo ng parol sa ilalim ng malawak at kumikinang na langit. Hindi ko maipaliwang ang dahilan, ngunit yuon na ata ang isa sa pinakamahiwagang gabi na aking nasaksihan. Lahat tayo noon ay nakangiti at bakas sa ating mga mata ang pagkamangha habang sinusundan natin ang parol na naglalaman ng ating mga pangalan, mga pangako at pangarap. Maingay man ang mga tao sa paligid natin, hindi natin sila naririnig sapagkat noon, tayo lamang ang tao sa daigdig. Sariwa pa sa aking isipan ang mainit na yakap na ibinigay natin sa isa’t isa, matapos nating bigkasin ang pangakong, tayo pa rin ang magkakasama hanggang sa huli.

Kung sanay lang akong magpinta, matagal ko na sigurong ipininta ang mga damdamin ko na hindi ko maisalin-salin sa blangkong papel noong araw ng ating pagtatapos. Naisip ko, kung hindi dahil sa inyo, isang imahinasyon lamang ang magiging basehan ko sa tuwing ako ay tatanungin kung ano ang isang kaibigan.

Kung bibigyan ako ng pagkakataon, babalik balikan ko ang gabing iyon at yayakapin ko kayo ng isa pang beses, hindi dahil wala na kayo ngayon sa aking tabi, kung hindi upang malaman niyo kung gaano kayong ka-importante sa buhay ko.

Sapagkat, hindi lahat ng binabalikan ay malulungkot na alaala.


Dedicated to my High School best friends. I miss you, guys! *hugs*