Anatomy of Faces and Hues

 

IMG_0418.jpg

From our exhibit last February 28 about mental health awareness (Photo taken by me)

 

When people ask me if I am doing fine,

I close my eyes and pick a color farthest from the nightmares in my mind.

“I’m fine,” I say, as I watch myself paint another face.

Another masterpiece, another lie–today I’ve survived.

 

When people ask me if I am doing fine,

I examine the ugly scars in my body and imagine an unblemished canvas.

“I’m alright,” I whisper, choosing a red, blissful face.

Another masterpiece, another lie–today I’ve survived.

 

When people ask me if I am doing fine,

My mind immediately cries–while my hands automatically pick the brush.

“I will be okay,” I promise, as my demon wakes.

Another masterpiece, another lie–today I’ve survived.

 

Advertisements

Spaces

tumblr_n76ayrIl3w1suo8tyo1_500

Photo taken from Tumblr. All rights reserved to its proper owner.

Writing prompt: Ano ang mga alaalang naaalala mo sa apat na espasyo ng kamay mo?

Natatandaan mo pa ba ako? Ako na parte ng iyong mga pinakatatagong alaala. Ako na sumagip sa nalulunod mong sarili. Ako.  

Noong una mong narining ang mga salitang, “Wala kang kwenta” dali dali akong tumakbo papunta sa iyong umiiyak na tinig. Inilagay mo ako sa taas ng iyong mga tainga at sinubukang limutin ang mga nakakalasong salitang ibinigkas sa iyong harapan.

Hinding hindi ko malilimutan ang hirap mong paghinga tuwing nilalamon ka ng iyong kadiliman. Pilit kong pinupunasan ang mga luhang pumapatak mula sa iyong namumulang mata. Pilit kong sinusubukang sabihin sayong magiging maayos din ang lahat.

Lumipas ang ilang mga araw at sa wakas, hinayaan mo na akong tulungan ka. Noong araw na iyon, hindi ka tumigil sa pag-agos. Tuluy-tuloy mo akong ginamit upang mabawasan ang sakit–kahit na sa prosesong ito ay nasasaktan na rin ako.

Isang araw, gumising ka, hindi ko alam kung paano mo ginawa, ngunit naramdaman kong patapos na. Naramdaman kong nabatid mo na na hindi ka nag-iisa. Naramdaman kong kahit na hindi pa galing ang iyong mga sugat at sariwa pa ang iyong mga pasa, ay kaya mo na.

Lumabas ka noon sa iyong kulungan at pinagmasdan ang iyong paligid. Malakas ang hangin noon at umuulan; ibinuka mo ako kasabay ng iyong pag-ngiti. Sapagkat noong ako’y iyong ibinuka ay naramdaman mo ang halik ng hangin at ng ulan, nalaman mong totoong hindi ka nag-iisa–na ikaw ay nabubuhay at patuloy na mabubuhay.

Kaibigan, kamusta ka na? Sana’y hindi mo pa rin nakakalimutan ang mga alaalang ito. Sana’y ang mga susunod na alaala nati’y mas masaya na.

Words I Really Want to Give to You

tumblr_mkp33sZHQQ1rvb3mho1_500

Photo taken from Google Images. All rights reserved to its proper owner.

Writing Prompt: Kung may ibibigay ka ngayon na hindi mo naibigay noon, ano ‘yun?

 

“Patawarin mo ako.”

Kung sinabi ko lang ito sayo noon, siguro naririto ka pa rin kasama ko.

“Patawarin mo ako.”

Kung hindi lang ako nilamon ng kaduwagan, maaari ko pa sanang masilayan ang mga malimit mong ngiti.

“Patawarin mo ako.”

Kung binuksan ko lamang ang aking mga tainga upang pakinggan ka, hindi siguro mangyayari lahat ng ito ngayon.

Sapagkat dati ay iisa tayo. Kung mayroong ako, mayroong ikaw. Subalit ngayon, sa tuwing nakikita kita, tila ba mayroong isang matangkad at hindi nakikitang pader; masyado na itong matibay at mataas upang mawasak pa.

Ngayon, sa tuwing nakakasalubong kita, tila hindi natin kilala ang isa’t isa. Tila ang mga pag-uusap hanggang alas tres ng umaga at mga masasayang alaala noong nakalipas na tatlong taon ay nangyari lamang sa loob ng aking isipan.

“Patawarin mo ako.”

Tatlong salita. Minsan, naiisip ko, kaya nga ba talaga nitong baguhin ang kapalaran nating dalawa?

At paano nga ba kita maibabalik kung ako rin mismo ang pumutol ng ating ugnayan?

“Patawarin mo ako.”